T-Shirt Forums banner

21 - 24 of 24 Posts

·
Registered
Joined
·
1 Posts
Good day! I just want to ask how to use emboss ink? May ipiprint kasi akong shirt, ito yung specs nya:
Black shirt
Design: White Ink and Emboss Yellow Gold

Ano po ang process na pwede kong gawin sa kanya? Rekta na po ba ang emboss sa black shirt or kailangan kong magbase ng superwhite? I was thinking na baka hindi kumapit yung emboss kapag ipinatong ko sa superwhite. Thanks
 

·
Registered
Joined
·
4 Posts
hello po, matagal na po ako member dito kaya lang ngbabasa lang po ako ng mga post , pumupolot ng idea. at this time magpapatulong lang po sana ako. kasi malaking problema ko natutuyuan lagi ako ng ink s screen, ilang t shirt lang halos barado na screen ko kaya lagi po ako naghuhugas, ano po kaya magandang gawin at bakit nagkakaganoon ang screen ko.?
 

·
Registered
Joined
·
3 Posts
Stick to superwhite at wetlook lang muna.

Tandaan mo lang na magkaiba ang SH(imported) at RC(local) series nila. Ang superwhite at wetlook, kahit na same series sila ay magkaibang ang formulation, kaya hindi laging compatible o hindi lagi pwedeng ipatong. Kaya ituring mo rin na magkaibang inks sila. Pero kung yung superwhite ay hinaluan mo ng wetlook ay parang ibang ink or ibang formulation na rin siya. Ganun din kung hinaluan mo ng superwhite ang wetlook ink mo pang top coats. Kaya kung may superwhite ang wetlook colored inks mo, pwede ipatong sa superwhite mo na may wetlook kasi parang same ink na sila na may different propertions lang ng sw at wl.

Kalimutan mo muna opaque lalo na ang classic.

Hindi ko alam kung yung ready mix na wetlook, kung hhahaluan ng superwhite, ay pwede sa superwhite + wetlook na underbase.

Ganun gawin mo.

For underbase yung 1 kg superwhite haluan mo ng 1/4 kg wetlook.

For mixing base(para sa mga top coat) yung 1 kg na wetlook naman haluan mo ng 1/4 kg superwhite. Tapos add mo pigment + fixer. Kung ayaw mo ng makintab damihan mo ang superwhite. Kung light colored inks pwede rin dagdagan na superwhite. Kung dark colored inks pwede mag add ng wetlook. Sa dark inks minsan hindi lang sa pwede pero mas maganda kung add ka pa ng konting wetlook. I-experiment mo ang mix ratio ng paunti unti .Pwede ito na rin ang underbase mo pero add ka pa ng superwhite depende sa color ng shirt. Siguro mga 2 part nitong mix + 1 part superwhite.

Try mo at iba't ibang proportion ng superwhite + wetlook at may kanya kanyang preference din kasi. Search mo rin thread na "ink mixture".
sir sa tulco pano yun sa wetlook nila may rk series at sh series ba ? ala naman kasi nakalagay tnx
 
21 - 24 of 24 Posts
Top