Nagattend ako ng silkscreen printing tutorial ni stealthtees yung sa mandaluyong last year 2013 nagbayad ako ng 2,000 pesos pero bago yun nakaattend na rin ako ke roman sa may project 8 (TECHSOURCE) walang kwenta may mga tanong ako na hindi nasasagot, nung nagtanong ako ng tungkol sa cmyk printing ang sabi sa akin basahin ko na lang daw yung mga notes na binigay nya syempre dismayado ako, may kasalanan din ako dapat naging mapanuri ako, pero kung mababasa nyo yung mga feedback ni roman ang dami talaga lahat positive yung feedback, tapos nun dun naman ako nagattend ng screen printing tutorial sa mandaluyong (STEALTHTESS) tulad ng dati history repeats di rin nasagot ang mga tanong ko siguro nga dahil basic screen printing lang more on theory, nung matapos kami mag-expose ng screen syempre huhugasan mo, anak ng tipaklong nasira ung stencil sa makatuwid palpak!!! ang palusot ni sir rey ng stealthtees dapat daw kasi overnight ang pagpapatuyo ng screen, eto pa ang nakakatawa gamit namin yung UV exposure unit nya na binebenta nya ng 15,000 pesos tapos palpak naman pala, tulad ng dati biktima na naman ako ng mga namumulaklak nilang positive feedback.
Kung meron man ako sigurong katanungan at gustong malaman dito na lang ako magtanong sa mga “MASTERS” dito ngayun ko lang kasi nalaman na may ganitong site pala. Mga MASTER pagpasensiyan nyo na lang po ako dahil ako’y bago lamang dito ganun din sa screen printing. Magandang araw po!!!
Mga sir may mga tanong po ako:
1. Bakit po ba ginagamitan ng motor oil yung yung papel na may design bago magexpose ganito kasi yung pinakita ni sir roman ng techsource pero nabuo namin yung stencil di gaya ng ke stealthtees na nasira lahat.
2. Binigyan po ako ng advice ni stealthtees na kada 25 prints eh huhugasan ko ang screen tama po ba yun di po ba makakatagal yun sa production?
3.Kelangan po ba UV light talaga ang gamit?