T-Shirt Forums banner

Business Side Screenprinting

4420 Views 30 Replies 9 Participants Last post by  KATHLEENE519
Mga sir need ko ng advice lahat po ba dito eh registered na ang business? sa mga baguhan palang gaya ko ang hirap kse makipag sabayan pag hiniritan ka na ng client na "wala ka naman resibo eh, dapat masmababa pa" pag sinabing masmababa pa eh sagad na talaga, pagod ka pa!:(:(:(
anu ginagawa nyo sa mga ganun?

may plano din ako magpa-register kaya lng pinag-aaralan ko pang mabuti kung sure na ba talaga ako d2 sa papasukin ko, at nde ko alam kung anu ang mga requirements at magkanu aabutin

salamat po sa mga magshe-share! :)
1 - 20 of 31 Posts
pinakabasic like sole proprietorship - handa ka mga 5K to 10K - at isang mahabang pasensya - depende siguro sa city para ito sa DTI, Mayors Permit, finally BIR para sa resibo. pero may mga duties ka na sa BIR na monthly obligations mo. mag rereport ka sa VAT etc.

Kung balak mo corporation or partnership SEC, Mayors Permit BIR etc. handa ka mga 15K

Suggest ko habang maliit wag muna. Kung side line lang naman hayaan mo na mga customer na ganyan may mga ng pipiga lang talaga. at kahit may resibo ka na may ng pipiga pa din. tapos na tax ka pa!

Pag cacareerin mo saka ka na mag register.
:tipthank: ayus!

natakot lng kse ako, 1st time ko maka-experience ng ganun kaya kinabahan ako eh:D
ako wala ako resibo kasi halos puro subcon gawa ko pag malakihan yung kontractor na bahala don meron silang sariling resibo at business permit yung sakin labor lang ang charge ko sa kanila,
sinasabi ko na kaagad na wala ko or may mga project narin akong di natuloy dahil wala ko resibo pero small time lang.
ang shop ko di gaanong expose medyo nakatago ng konte kaya wala gaanong sumisita. pero kapag nasa commercial site ka tulad nila sir byron at brojames o kaya umuupa ka ng isang stall sa palengke o may pwesto sa tabing kalsada kaylangan talaga ng resibo ,business permit kasi expose ka at masisita ka talaga ng barangay lagay:D:D
dati nung may shop kami ng tatay ko sa tabing kalsada mapipilitan ka talagang kumuha ng mga permit dahil merong sisita sayo
ako rin di pa registered pero on process na ung papel ko baranggay tagay naman ang sumita sa akin dahil hindi ko napag bigyan si chairman sa gusto nya.... hehe
mga sir salamat, homebased lang din naman ako, sa looban pa ng village, yun lng matumal, yung mga cliente ko nakukuha net based lng karamihan kaya swerte na din ako kahit papano kesa sa wala, takot lang kase ako magmarket d2 sa amin baka kse mamya matsambahan eh mahirap na, buti nalang nde pa kayo registered! hehehe:D:D:D
maganda rin nka rehistro pede ka sumabak sa mga bidding.....
maganda rin nka rehistro pede ka sumabak sa mga bidding.....
sana sir umabot ako sa ganyan!
salamat sir peng! pede ba dumalaw sa inyo, makapagfieldtrip na din ako sa gawaan nyo :) sa lunes pa naman ako magdedeliver ng shirt saka onti lng din naman eh
ok lang mack sige punta ka lang txt mko kung bukas ka punta maghapon ako nandun sa shop dami kmi ginagawa screen eh baka mag contact pako tom ng design
pagtapos kina sir peng kina sir chard naman ako dadalaw! para makapag libot tapos kina sir jsf at sir bebo at lahat ng members d2 sa forums na pedeng puntahan
isang araw may sumita sa shop ko malaking mama naka uniporme hinahanap kung sino incharge sa shop ko, sabi ko wala po rito nasa bayan hehe, tapos nagtanong sya "meron ba tong permit" bigla akong kinabahan tumaas ang blod presure ko bumilis tibok ng puso ko sabi ko bago palang po tong shop (12 years) nilalakad palang po yung permit, tapos sabi nya "pwede bang makita yung papers na katunayang nilalakad nyo yung permit", pinilit kong irelax yung sarili ko sabay sabi kay misis na kunin yung papeles bulong ng misis ko "anong papeles?" kahit ano yung mga kinukuha mo sa baranggay clearance ,endorsment sedula, voters id , kuha naman sya tapos pinakita ko sa mama, eto po sir "eto ba yon ah ok di bale sabihin ko na lang sa head namin na pinoproseso na" ah meron na ba kayong fire extinguiser?" sabi nya "bibigyan ko kayo pwede hulugan yung kabilang printer kumuha na sakin 2,800 isa" sabi ko sir wala ko pera ngayon , sabi nya ok sige babalik nalang ako. tatlong beses syang pabalik balik sa shop at puro fire extinguiser ang inaalok sakin yung huli nakasabay nya si kagawad ng barangay na nagpapaprint sakin ayon dina bumalik.
See less See more

hahaha putek yan kamo meron kna bumbero sa gilid (poso) mo para di na kailangan ng fire extingguisher hahaha
sir rudy ayus yun ah, fire ext. pala raket, hahaha! buti nalang may papeles kayong naipakita kahit nde yun talaga:D:D:D

lalaban ako! wag lang mahuli! :D:D:D
yung date nung mga papeles na pinakita ko 2004 pa di nya pinansin,:D:D:D:D
halatang modus talaga! pero nde ko pa din ma-imagine yung pakiramdam nyo, hahaha! baka magtago na ako sa loob kung ako yun:D:D:D

salamat sa inyo mga sir! itutuloy ko lng to!:)
1 - 20 of 31 Posts
This is an older thread, you may not receive a response, and could be reviving an old thread. Please consider creating a new thread.
Top