T-Shirt Forums - View Single Post - [PHILIPPINES] - Pano nga ba ang tamang pagamit ng emulsion? [newbie]
View Single Post
Old March 9th, 2015 -   #1 (permalink)
iamklumzy
Forum Member
T-Shirt Apprentice

iamklumzy's Avatar
 
You can call me: Jhefz
Member Since: Mar 2015
Location: Cavite
Posts: 7
Mentioned: 0 Post(s)
Tagged: 0 Thread(s)
Thanks: 1
Thanked 0 Times in 0 Posts


Default Pano nga ba ang tamang pagamit ng emulsion? [newbie]

Good Day, mga Masters,

bago lang po aq sa larangan ng T-Shirt Printing pero matagal na akong Graphic Artist sa isang gaming company..

ang akin lang panu nga ba ang tamang pag gamit ng emulsion ( Aquasol ER ).

kasi last saturday nag try ako mag apply ng emulsion in a different method.

Unang Pagsubok :

nag apply ako ng emulsion sa dark room as in walang ilaw o hangin na napasok and then pinatuyo ko po sya ng blower tapos nun nung nag exposed na ko under 300 watts halogen after ko hugasan at sprayan may image na bumakat sa emulsion pero di nabutas ung details

Pangalawang Pagsubok :

nag apply ako ng emulsion sa dark room as in walang ilaw o hangin na napasok tapos nilagay ko sya sa isang box ng lcd monitor tapos nilagay ko sa ilalim ng kama -_- di ko sya pinatuyo gamit ang anu mang pede pampatuyo. kinabukasan pag gising ko same procedure sa exposure. nung hugasan ko nagbakbak sya naging clear ung screen na parang di kumapit ung emulsion

Pangatlong Pagsubok :

nag apply ako ng emulsion di na sa darkroom pero nasa loob lang ako ng bahay namin kasi isa to sa malaking tanong sakin o sa kahit sinu mang newbie d2 sa forum kaya sinubukan ko na kung " pede po ba mag apply ng emulsion kahit wala ka sa dark room o yellow light? " tapos pinatuyo ko gamit uli ang blower nung tuyo na sya binasa ko na ung screen tapos spray ko ang nangyare nabasag uli ung emulsions


so un ang aking karanasan sa emulsion wala akong nagawang tama hanggang naubos ko ang isang bote ko ng Aquasol ER sa mga master kung may payo kau sakin maraming salamat po at makakatulong din ito sa mga baguhan..

Item Used :
Akari Halogen 300 watts Floodlight
Aquasol ER
Blower

sa floodlight po pala ang height ko is 15" at ang time of exposed is 2 - 3 mins.


Salamat po sa pagbabasa,
JheFz