Re: where i can buy emulsion here in philippines? sa mga nagtatanong kung saan meron screen printing training workshop....
ewan ko lang kung nandoon pa sila, ha. sa may Espana St. (harap ng UST), meron maliit na street doon na tawag ay Dao St....nakalimutan ko yung exact address at pangalan ng company (basta nasa gitna ng street na yon yung place, maiksi lang yung Dao St. na yon)... doon ako natutong mag silkscreen sa halagang P1,500 noon. nasa dulo ng dila ko yung pangalan ng mga tao doon at company. pag naalala ko ipost ko dito. baka mga iba dito kilala yung place.
sa Virgo ako kumukuha dati ng supplies ko (sa may Divisoria)... at t-shirt supplies sa may Juan Luna (sa Divisoria rin).
matagal na akong wala sa Pinas pero mukhang ganon pa rin ang kalakalan ng screen printing dyan.
goodluck sa mga gustong mag balak mag screen print. maganda at sure na sideline negosyo yan. kailangan lang magsipag at matutong gumising ng maaga at magpuyat... hehehehe.
maganda rin yung mungkahi ng iba, sana meron lalabas na screen printing forum para sa mga pinoy. kung wala man, ok lang at mukhang nandito sa forum na ito lahat ng info. |